Masaya sana maglaro ng ‘Gears of War 2’ kung wala akong PTSD

May tatlong Xbox 360 consoles sa aming silid na tatlong tolda ang layo mula sa aming bunker, matapos na ipinagbawal ni First Sergeant Wilson ang anumang libangan na itinuturing niyang “masyadong marahas, at alang-alang sa kalagayan ng aming mga tropa sa Gitnang Silangan.”

Ngayon, dapat makuntento na lang kami sa Viva Piñata. Hindi muna namin malalaro ang Gears of War 2 upang maranasan kung gaano kasarap mamaril ng mga kalaban dahil isinabak kami ng US Army na makipag-digmaan sa Iraq.

Tulad ng ibang mga ordinaryong mamamayan, natutuwa akong maglaro ng video games. Tuwing ang aking anak ay naglalaro ng Super Mario Galaxy sa kanyang Nintendo Wii, iniimbita ako ng kapitbahay namin dati sa mga online na kampanya sa Xbox Live. Pati ang aking mga katrabaho noong panahon na ay isang superbisor sa Benson Products ay nananatiling gising tuwing Biyernes nang gabi upang magkaalaman kung sinong koponan ang mananalo sa NBA 07. Nasabi ko bang nahumaling ang anak ko sa Super Mario Galaxy?

Kailan ko ulit makikita ang aking anak?

Nababaling ang pokus ko sa pagkumpleto ng kampanya sa larong ito tuwing may nababalitang mga patay dito.

Madalas ang mga kasama ko sa iskwad ay nalululong sa napakatinding gameplay ng GOW2. Kahit si Tenyente-Heneral James Woodward na binisita kami ay nagyayang makipag-inuman pagkatapos niyang manalo sa five-on-five multiplayer raid laban sa mga bot na kinokontrol ang Locust Horde. Kalaunan noong linggong iyon, in-ambush ng mga sniper na galing sa Mahdi Army ni Muqtada al-Sadr si Lt Gen Woodward habang dumaan ang kanyang convoy sa labas ng Najaf papuntang Coalition airstrip.

Sa kabutihang palad, nababaling ang pokus ko sa pagkumpleto ng kampanya sa larong ito tuwing may nababalitang mga patay dito. Malugod akong nakababad sa makatotohanang graphics na dulot ng Unreal Engine 3 upang hindi ko isipin ang hirap na nararanasan namin tuwing may nakaka-alala na aksidentenng binomba ng mga sundalo ng hukbong Bretanya ang tropa namin sa Seventh Infantry battalion.

Tama ang nabasa mo: pinatay ng Brits ang aking mga kaibigan.

Saludo ako sa mga empleyado ng Epic sa kanilang patuloy na pagdagdag ng downloadable content mula sa Live Marketplace. Sa kasamaang palad, ninakaw ng mga hampaslupang galing Kirkuk ang aming satellite telecommunication apparatus na ginagamit namin upang ma-access ang internet dito sa base.

Sa ngayon, hindi ko pa nalaro ang pinakahuling DLC ng larong ito, dahil ‘di ako makatulog mula noong may nabaril akong tinedyer na nahuli kong kinakalas ang isa naming link tower sa labas ng aming kampo. ♦

Tagged with: